Bakit Di Pa Ikaw?
- sandy72300
- Oct 23, 2017
- 1 min read
Miho:
Noong una
Akala ko ko’y langit na
Pagmamahal na dati’y
Natagpuan sa kanya
Bandang huli
Ako ay nasaktan
Akala ko habambuhay na
Pinagpalit lang sa iba

JV:
Ngayo’y litong lito
Bakit biglang nagbago?
Sa una’y kay saya
Walang hanggang ligaya
Ngunit bandang huli
Ako’y nagsisisi
Pag-ibig nya’y mapaglaro
Iniwan ding tulad mo

Miho:
Sadya bang ganito ang magmahal
JV:
Wala na ba talagang nagtatagal?
Together:
Bakit ba hindi na lang tayo?
Bakit naglihis ating landas?
Bakit ang pagkakataon sa ati’y
Di naging patas
Bakit ba hindi n lang ikaw
Ang sa aki’y nagmahal
Oh bakit ba? Sinta…

Miho:
At ngayo’y nasasaktan
Iniyak na ang lahat
Nagsisisi,
bakit sya pa ang pinili?
JV:
Gayong andiyan ka na
Bakit lumingon pa sa iba?
Ako’y patawarin mo
Sana ay pwede pa tayo
Bridge (Together):
At tayo’y nandito na
Ano pang magagawa
Kundi magsimulang muli
Limutin ang pagkakamali
Pangako ko sayo
Saan man makarating
Ikaw at ikaw pa rin
Ang aking hahanapin…
(I composed these lyrics as I dreamed of JHo (Miho and JV) having a duet song in the near future. To whoever reads this and is interested in composing a melody for this, just leave a comment below.)
Comments