top of page

Isang Sulyap

  • Writer: sandy72300
    sandy72300
  • Apr 14, 2018
  • 1 min read

Sa araw araw na ika'y nakikita

Di ko maiwasang sa iyo ay mamangha

Nararapat bang ang isang anghel n tulad mo

Ay pagala gala lamang dito sa lupa.

Marahil nga ako ay nahihibang

O kaya sa imahinasyon ay nasosobrahan

Bakit nga ba sa iyo ay nababaliw?

Oh Diyos ko, pagbigyan po sana ang aking hiling

Isang tingin, isang sulyap

para na akong nasa alapaap

Ang mapansin mo'y anong sarap

Paano pa kapag ikaw ay nakaharap?

Isang tingin, isang sulyap

Ikaw ba ay mananatiling pangarap

Oh ano ba, ako'y nalilito

Kailan makakamtan ang pag-ibig mo?

Minsang inakalang sa akin ay may pagtingin ka

Di na magkamayaw kapag ika'y lumalapit na

Ngunit ako'y nagising sa isang panaginip

Na ang puso mo pala ay isang manhid.

Ang mga pangarap ko'y isa isang gumuho

Ang masasayang alaala'y biglang naglaho

Sadya bang ganito talaga kahirap

Ang di masukliang pag-ibig ay anong saklap

Pinili kong sa puso ko ika'y palayain na

Sapagkat sayo ako'y walang pag asa

Awa sa sarili'y aking kinikimkim

Ngunit ang paglimot sa iyo'y di maatim.

Comentários


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

AFFILIATE DISCLOSURE

This site is a participant in the Amazon Services LLC Associates Program, an affiliate advertising program designed to provide a means for website owners to earn advertising fees by advertising and linking to amazon.com and any other website that may be affiliated with Amazon Service LLC Associates Program.

© 2023 by Name of Site. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Google+ Social Icon
bottom of page